Mga militante, nagsunog ng mga larawan ng mga opisyal ng gobyerno

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2017 06:36 PM

Sinunog ng ilang miyembro ng mga militanteng grupo ang larawan ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno sa harapan ng Camp Aguinaldo sa Quezon City bilang bahagi ng kanilang protesta isang araw bago ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Sinunog ng mga militante ang larawan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Armed Forces of the Philippines chief Eduardo Año at National Secretary Adviser Hermogenes Esperon.

Isinisigaw ng mga militante ang pagtigili ng pang-aapi at palihim na operasyon o militarisasyon sa kanayunan lalo na sa mga maliliit at ordinaryong mamamayan.

Binabanggit ng mga militante na magiging mapayapa naman ang kanilang pagkilos dahil ayon sa kanila, kapayapaan ang dapat mamayanin at hindi kaguluhan. -- ulat mula kay Jon Ibañez, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.