Ano ang gusto mong talakayin ni Duterte sa SONA 2016?

Bayan Mo Ipatrol Mo

Posted at Jul 22 2016 09:40 PM | Updated as of Jul 24 2016 02:54 PM

Nakatakdang maganap ang unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Lunes, Hulyo 25, 2016. Tiniyak ng kanyang tagapagsalita na si Sec. Martin Andanar na ilalatag dito ng pangulo ang kanyang mga plano sa susunod na anim na taon ng kanyang panunungkulan at hindi tutuon sa paninisi sa mga nakalipas na administrasyon.

No blame game in Duterte's first SONA: Andanar

Sa dami ng mga kinakaharap na problema ng bansa, ano ang mga isyung gusto mong talakayin ni Pangulong Duterte sa kanyang kauna-unahang SONA? Ibahagi ang inyong mga komento at saloobin sa social media accounts ng Bayan Mo, Ipatrol Mo sa facebook at sa twitter. Maaari ring gamitin ang hashtag na #Du30SONA2016.

Narito ang ilang halimbawa na ipinadala ng mga netizen:

]