ALAMIN: Mga 'in demand' na trabaho sa job fair ng DTI

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2017 06:42 PM | Updated as of Jul 21 2017 09:42 PM

Dinagsa ang job fair ng Board of Investments (BOI) ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Pasay kung saan higit 1,500 trabaho ang inalok.

Ayon kay Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo, kabilang sa mga ‘in demand’ na trabaho ang mga sumusunod:

• Engineering
• Accounting
• Information Technology
• Construction
• Tourism
• Human Resources

Paliwanag niya pa, kailangan ang mga inhinyero dahil sa lumalagong manufacturing sector at malawakang infrastructure projects.

Marami rin aniyang bukas na trabaho sa tourism at energy sector.

“Nagkakaroon ng kakulangan pagdating sa technical oriented workers… ‘yung managerial nagkaroon din ng kakulangan. Ang daming job opportunities,” ayon kay Rodolfo.

Sakaling palarin ang mga aplikante na katatapos lamang ng pag-aaral, makatatanggap sila ng P10,000 hanggang 15,000 na sahod kada buwan.

Kapag naman may experience na, maaaring umabot ang suweldo sa P50,000 hanggang P80,000 kada buwan.

Ayon pa sa pa gobyerno, dumarami na ang mga Pilipinong gustong magkatrabaho sa loob ng bansa kaysa sa mag-abroad dahil sa lumalagong ekonomiya at sa mas maraming oportunidad sa Pilipinas.

“Maniwala ka sa sarili mo at maniwala ka sa ekonomiya natin… Dati orientation ng tao mag-abroad, pero ngayon ang ganda ng ekonimiya natin,” ani Rodolfo.

Para malaman ang mga susunod pang job fair, maaaring bisitahin ang website ng BOI o DTI sa dti.gov.ph at boi.gov.ph.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.