1 sugatan sa aksidente sa Quezon City

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2017 05:48 AM

Isang lalaki ang sugatan matapos bumangga ang sinasakyan na kotse sa isang concrete barrier ng Commonwealth Avenue, Quezon City. 

Nagtamo ng sugat sa noo si Humprey Saringan Jr., matapos bumangga ang sinasakyang itim na kotse.

Ang nasabing sasakyan ay minamaneho ni Joventino Prado. Kuwento nito, nabigla na lamang siya nang makita ang concrete barrier dahil madilim ang lugar.

Bukod pa dito, hindi din gumagana ang ilaw na inilagay ng EEI Corporation na kontraktor ng kasalukuyang ginagawang MRT-7 sa lugar.

Ayon kay Batasan Hills Traffic Police Richard Venturina, una nang naaksidente ang isang Uber car ilang oras ang nakalipas sa nasabing lugar.

Dagdag pa ni Venturina, accident-prone ang naturang lugar dahil walang reflector ang mga concrete barrier.

Mabilis naman ang naging pag responde ng MMDA Rescue kung kaya't agad nabigyan ng paunang lunas si Saringan. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.