Huli sa CCTV: Lalaki, nagnakaw ng energy capsules sa botika

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2017 09:12 AM

Nahuli sa CCTV ang pagnanakaw ng energy capsule ng isang lalaki sa isang botika sa Butuan City.

Kita sa kuha ng CCTV na kunwari ay bibili ang magnanakaw ng energy capsule, hiniling di umano nito na ipakita sa kanya ang kahon upang basahin ang indication.

Nang malingat ang tindera, mabilis na nakupit nito ang tinatayang nasa halagang P4,000 ng energy capsule.

Napaiyak naman ang tindera sa pangyayari at ibabawas mula sa kanyang sweldo ang halaga ng nanakaw na energy capsule.

Desidido naman ang may-ari ng botika na magsampa ng kaso laban sa magnanakaw.

Ngunit sa ginawang imbestigasyon, hindi nakilala ng mga pulis ang magnanakaw.

Nananawagan ang mga otoridad sa publiko na ipagbigay-alam sa pulis ang ano mang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng magnanakaw.

-Umagang Kay Ganda, ika-20 ng Hulyo 2017.