15 bahay tinupok ng apoy sa Las Piñas City

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2017 08:31 AM

Labinlimang bahay ang tinupok ng apoy sa San Jose Street, Barangay Daniel Fajardo, Las Piñas City.

Ayon sa report, nagsimula ang sunog bago mag hatinggabi at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ika-apat na alarma ang sunog sa loob ng isang oras.

Nadamay din sa sunog ang isang computer shop na pagmamayari ng isang residente.

Inabot ng 2 oras bago naapula ang apoy.

Inaalam pa kung ano ang pinsalang idinulot ng sunog at kung ilang ang naapektuhan.

Ayon naman sa mga residente, hindi bababa sa 15 bahay ang nasunog.

-Umagang Kay Ganda, ika-20 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.