Labi ng Pinay na nasagasaan sa New Jersey naiuwi na sa bansa

Mylce Mella, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 09:51 AM

Naiuwi na mula New Jersey US ang mga labi ng Pinay na medical technologist na nasagasaan ng van.

Halos tatlong dekada nagtrabaho sa Amerika ang biktimang kinilalang si Blandina Briones, 67 anyos.

Uuwi na sana ng bansa ang biktima sa Setyembre, ngunit noong Hulyo 6, papasok na sana ito sa trabaho ng nasagasaan ito ng isang van habang tumatawid sa kalsada ng New Jersey.

Ayon sa kapatid ng biktima, kaibigan nito ang nagsabi sa kanila ng pangyayari.

Walang asawa o anak ang biktima, kung kaya naman ibinuhos nito ang pagmamahal at tulong sa 91 anyos na ina, mga kapatid at mga pamangkin.

Ayon sa pamilya ng biktima, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari.

Planong pumunta ng ilang miyembro ng pamilya ng biktima sa Amerika upang asikasuhin ang kaso at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.

-Umagang Kay Ganda, ika-19 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.