Gusali, natupok sa Pasay City

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2017 07:03 AM

Tinupok ng apoy ang isang paupahang gusali sa Tramo, Pasay City Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nasunog ang dalawang palapag ng paupahan na may kabuuang 26 na kuwarto.

Bagama't gawa sa kongkreto ang unang palapag ng gusali ay gawa naman sa light materials ang pangalawa at pangatlong palapag nito.

Nasa 20 pamilya ang nakatira sa mga paupahan. Lahat naman ay nakalabas at walang naitalang nasugatan.

Ayon sa isang residente sa lugar, mayroon diumanong nagbanta na susunugin ang gusali at sinundan na ito ng pagliyab ng apoy. Ito ay iniimbestigahan pa ng mga otoridad. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.