24 sugatan sa pagsalpok ng jeep sa tindahan sa Rizal

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 10:12 AM

ANTIPOLO, Rizal - Sugatan ang 24 katao matapos bumangga ang isang jeep sa harapan ng tindahan sa Marcos Highway sakop ng bayang ito, Miyerkoles. 

Kuwento ng ilang biktima, pa-ekis ekis at mabilis ang takbo ng jeep na papuntang Cogeo, Cubao, dahilan para mawalan ng kontrol ang driver pagdating sa Barangay Mayamot, Antipolo. 

Bumangga ang jeep sa poste ng kuryente sa tapat ng ERS food court. 

Sa lakas ng pagsalpok, nawasak ang unahang bahagi ng jeep at tumagas ang langis nito sa kalsada. 

Pawang sugatan ang 23 pasahero ng jeep gayundin ang driver na si Erin Moroña. 

Dinala ang mga biktima sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. -- Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.