2 sundalo patay, 1 sugatan sa pag-atake ng NPA sa Palawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 sundalo patay, 1 sugatan sa pag-atake ng NPA sa Palawan

2 sundalo patay, 1 sugatan sa pag-atake ng NPA sa Palawan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 19, 2017 02:23 PM PHT

Clipboard

Rumeresponde ang mga awtoridad sa 2 sundalo na pinagbabaril sa Roxas, Palawan. Kuha ni Al Bonales

PALAWAN - Patay ang 2 miyembro ng Philippine Marines habang sugatan ang isa pa nilang kasama sa magkahiwalay na karahasang ikinokonekta sa New People's Army (NPA) sa lalawigang ito.

Namamalengke sina Private First Class Joene Galiste at Private James Porol nang pagbabarilin sila hanggang mapatay ng hindi nakilalang suspek sa Barangay Magara, Roxas Miyerkoles.

Kapwa miyembro ng Marine Batallion Landing Team (MBLT) 12 ang mga biktima, ayon kay Mimaropa police spokesperson Supt. Imelda Tolentino.

Nakatakas aniya ang salarin na gumamit ng mga kalibre .45 at 9 mm na baril.

ADVERTISEMENT

Bago nito, isa pang Marine ang nasugatan nang sumabog ang isang improvised explosive device sa kalapit na Barangay Tarusan, Bataraza nitong Martes ng hapon.

Nakasakay sa M-35 truck ang biktimang si Private First Class Garry Estapia, miyembro ng MBLT 4, at papunta sana sa community support program nang sumabog ang bomba sa gilid ng kalsada.

Nasa mabuti nang kalagayan si Estapia at nagpapagaling na sa ospital.

Rumeresponde ang mga awtoridad sa 2 sundalo na pinagbabaril sa Roxas, Palawan. Kuha ni Al Bonales

PAGKONDENA SA NPA

Kinondena naman ng Armed Forces - Western Command ang 2 insidente na anila'y kagagawan ng NPA.

Posible anilang naghihiganti ang mga rebelde dahil sa pagkubkob ng mga sundalo kamakailan sa isang NPA training camp sa Brooke's Point, Palawan.

Dagdag ng militar, maaaring hindi rin ikinatuwa ng grupo ang maayos na ugnayan ng gobyerno at mga mamamayan.

Patuloy ang operasyon ng mga awtoridad upang matunton ang may kagagawan ng magkahiwalay na insidente.

Nananatili rin ang red alert status ng WesCom.

Nakiusap sila sa publiko na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa 0917-896-0014.

Una nang idinawit ng mga awtoridad ang NPA sa hiwalay na pananambang sa convoy ng Presidential Security Group (PSG) sa Arakan, North Cotabato Miyerkoles.

Nasawi ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit habang nasugatan ang 5 PSG officers sa naturang insidente. -- May ulat nina Noel Alamar at Arlie Ching, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.