Pulis, nagulungan ng trak sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 02:08 AM

Isang pulis ang namatay matapos magulungan ng trak malapit sa Nagtahan Bridge sa Maynila.

Kinilala ang biktima na si SP01 Emmanuel de Jesus na nakatalaga sa Presidential Protection Unit.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang makasabay niyang lumiko ang trak na minamaneho ni Philip Saralde, 36 anyos na residente ng Maynila.

Nahagip ng trak ang motorsiklo ng biktima at nagulungan ang ulo nito.

Hawak na ng mga pulis ang drayber ng trak at nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.