Pagtali ng aso sa likod ng tricycle, binatikos

Kate Delovieres, ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2017 09:47 AM

Umani ng batikos mula sa netizens ang larawang nag-viral sa social media kung saan makikitang itinali ang isang aso sa likod ng tricycle sa Naga City.

Makikita dito ang payat na aso na halos masakal na dahil sa pagkakatali.

Humarap na sa mga awtoridad ang driver at operator ng nasabing tricycle.

Paliwanag ng driver, kakabigay lang ng aso sa kanya at itinali niya ito sa likod dahil may sasakay na pasahero.

Ayon sa city veterinarian, paglabag sa Animal Welfare Act ang ginawa ng tricycle driver.

-Umagang Kay Ganda, ika-18 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.