Ama patay matapos saksakin ng anak sa Benguet

Mae Cornes, ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2017 05:38 PM

BENGUET - Patay ang isang minero matapos itong pagsasaksakin ng sariling anak sa Itogon, Benguet Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Manuel Basoyang, 51 taong gulang.

Ayon sa kanyang anak na si Mark Anthony, nag-iinuman silang mag-ama nang may masabi itong hindi niya nagustuhan.

"May sinabi po kasi siya about sa pamilya. Eh 'yung galit po tapos 'yung sinamahan pa ng alak, kaya ko nagawa," aniya.

Nagsisisi man, wala na umano siyang magagawa.

Dinala pa sa Baguio General Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

“Ang masaklap nun, isa lang yung saksak niya, kaya lang sa dibdib kaya tinamaan yung puso,” sabi ni PCI Eugene Raymundo, hepe ng Itogon Police.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek.

Inaalam pa kung magsasampa ng reklamo ang kanyang pamilya laban sa kanya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.