Umano'y salvage victim, nakita sa likod ng FEU

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2016 09:28 AM | Updated as of Jul 17 2016 09:29 AM

Isang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa likod ng campus ng Far Eastern University sa Sampaloc, Manila Linggo.

Mayroong limang saksak sa dibdib ang lalaking biktimang nakita sa Lerma Street, dakong alas-2 ng umaga.

Nakabalot ng packaging tape ang kanyang mukha at may busal siya na basahan sa bibig.

May karatula sa tabi ng lalaki na nagsasabing "Talamak akong akyat-bahay at pusher. Magbago na kayo."

Ayon sa isang alias Jasmin, isang puting kotse ang nakita niyang nagtapon sa bangkay sa gilid ng bangketa.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng biktimang may taas na 5'6", nasa 30 hanggang 35 anyos at may tattoo sa kaliwang braso. -- May ulat nina Bianca Dava, ABS-CBN News; Hajji Kaamiño, DZMM