#WalangPasok: Klase sa ilang lugar ngayong Lunes, suspendido dahil sa transport protest

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2017 09:16 PM | Updated as of Jul 17 2017 06:42 PM

MANILA - (4th UPDATE) Suspendido ang klase sa ilang lugar ngayong Lunes dahil sa ikinasang protesta ng ilang transport group.

Walang klase sa lahat ng antas ang mga pampubliko at pribadong eskuwelahan sa ilang bayan sa Bulacan province, kabilang ang:

- Malolos;
- San Miguel;
- Sta. Maria;
- San Jose del Monte; at
- bayan ng Bulacan.

Suspendido rin ang mga klase sa senior high school at kolehiyo sa Baliwag, Bulacan.

Nag-anunsyo rin ng class suspension ang ilang pamantasan, kabilang ang:

- De La Salle University (Taft, Manila at Bonifacio Global City campuses);
- University of Santo Tomas
- Manila Tytana Colleges;
- San Sebastian College sa Maynila;
- De La Salle–College of Saint Benilde; at
- Access Computer College.
- University of Sto. Tomas (mula ala-1:00 ng hapon)

Wala na ring pasok ang Far Eastern University - Senior High School.

Layon ng malawakang protesta ngayong Lunes na harangin ang plano ng gobyerno na "phaseout" ng mga lumang jeepney.

Mangyaring i-refresh ang pahinang ito para sa updates.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.