‘Emergency skills training’, alok ng TESDA sa mga napauwing OFW

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2017 02:51 PM | Updated as of Jul 16 2017 07:58 PM

Umarangkada na nito lang Hunyo ang bagong ‘Emergency Skills Training Program’ ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Handog ito ng TESDA para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na napabalik sa Pilipinas nang matapos ang kanilang kontrata abroad o dahil sa iba pang sirkunstansiya.

Isang buwang sumasailalim sa pagsasanay ang mga OFW para magkakaroon ng bagong kakayahan, tulad ng pagkukumpuni ng motorsiklo.

Ayon sa TESDA, target nitong programa na alalayan ang mga nagbalik-bansang OFW na makapagnegosyo rin, gaya ng pagpapatakbo ng sariling talyer.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.