3 nagtangkang pumuga sa Jolo, patay

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2017 03:35 PM

Napapunta ang ilang residente sa harap ng Jolo Municipal Station Detention Cell nang malaman ang tungkol sa pagpuga ng ilang preso.

Patay ang tatlong presong nagtangkang pumuga sa Jolo Municipal Station Detention Cell.

Sa inisyal na ulat na ipinarating sa DZMM ni ARMM Police Chief Senior Superintendent Reuben Sindac, pasado ala-una ng madaling araw nitong Linggo, Hulyo 16, nang magtangka ang mga preso na pumuga mula sa kanilang selda sa Jolo, Sulu.

Ayon din sa pulisya, 38 preso ang sumubok na makatakas.

Bukod sa 3 napatay, isa pang preso ang sugatan sa insidente.

Tinutugis ang 10 iba pang presong nakatakas.

Iniimbestigahan pa rin kung paanong nakapuslit ang mga bilanggo.

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.