Sahod ng guro, nakaltasan dahil sa utang na di kaniya

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2017 05:28 PM | Updated as of Jul 15 2017 07:46 PM

Halos 10 buwang nagtiis ang isang guro sa public school sa Cavite sa sahod niyang nakakaltasan para sa utang na hindi naman pala kaniya.

Natuklasan ng gurong si Jay-Ar Laforteza na ito pala ay kaltas dapat sa kaniyang kapwa guro na may utang sa Government Service Insurance System (GSIS).

Idinulog ng "Tapat Na Po" ang problema ni Laforteza sa GSIS.

Makalipas ang ilang araw, nagkaroon ng tugon ang ahensiya sa hiling ni Laforteza na maibalik ang mahigit P10,000 maling naikaltas sa kaniyang sahod.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.