ALAMIN: Mga kalsadang apektado ng reblocking hanggang Lunes

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2017 01:57 PM

Nagsasagawa ng road reblocking ngayong weekend ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Apektado nito ang ilang daan sa Quezon City tulad ng bahagi ng A. Bonifacio Avenue sa pagitan ng Calavite hanggang Isarog Street.

Kasama rin sa reblocking ang EDSA Southbound sa pagitan ng Times Street at Quezon Avenue, bahagi ng Mindanao Avenue Northbound, Congressional Avenue Extension, at bahagi ng Quirino Highway at Luzon Avenue. 

May reblocking din sa MacArthur Highway malapit sa Monumento Circle sa Caloocan.

Sa Pasig City naman, maaapektuhan ang bahagi ng C-5 Road malapit sa Julia Vargas at bahagi ng Manila East Road.

Panawagan ng Metropolitan Manila Development Authority sa mga motorista, humanap ng mga alternatibong daan at iwasan na muna nag mga nabanggit na lugar.

Ayon sa DPWH, may isinasagawa ring pagsasaayos ng kalsada kasabay ng road reblocking.

Nagsimula ang reblocking nitong alas-11 ng gabi ng Biyernes, Hulyo 14. Magtatagal ito hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes, Hulyo 17.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.