Magsasaka, patay matapos pagbabarilin sa Surigao del Sur

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2018 04:55 PM

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo at kung sino ang mga nasa likod ng pamamaril sa isang magsasaka sa Surigao del Sur. Larawan mula sa San Miguel Municipal Police Station


SAN MIGUEL, Surigao del Sur—Pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga salarin ang isang magsasaka sa Sitio Liangabon, Barangay Calatngan sa bayang ito Huwebes ng hapon.

Papunta umano sa taniman ng abaca si Bobong Elizalde, alyas Datu Bobonganon, para mag-ani nang lapitan ng mga salarin at saka pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na nagresulta sa kaniyang pagkamatay. 

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.