'Tulak' patay sa Bulacan buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2018 05:22 AM

BULACAN - Patay ang isang hinihinalang tulak sa buy-bust operation sa San Jose del Monte City, Bulacan Huwebes ng gabi.

Nakumpiska kay alyas Louie ang 10 sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon sa pulisya, nakatakas naman ang kasamahan ng suspek na una umanong nagpaputok ng baril.

Gumanti ang mga pulis at napuruhan si Louie na naging dahilan sa pagkamatay nito.

Ayon kay Barangay Minuyan Kagawad Jerry Policarpio, nasa drugs watch list ang suspek.

Napatay na rin ang anak ni Louie sa isang buy-bust operation pero hindi pa rin umano ito tumigil sa ilegal na gawain. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.