NAIA Terminal 2, nakaranas ng power interruption

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2018 07:53 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Panandaliang nawalan ng kuryente ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa Pasay City nitong Biyernes.

Nangyari ang insidente bandang alas-4:20 ng madaling-araw na ikinabigla ng ilang pasahero.

Ayon sa information desk ng NAIA Terminal 2, nagtagal lang ng 6 na minuto ang power interruption dahil may generator na sumailalim sa testing.

Nang muling magka-kuryente, nagpatuloy kaagad ang operasyon sa loob ng paliparan. 

Wala namang naiulat na naapektuhang flights sa nangyari. - ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.