Distributor ng itlog ng pugo, patay sa pamamaril

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2018 11:41 AM

Hindi pa naiaalis ang bangkay ng biktima habang pinoproseso ng Scene of the Crime Operatives ang crime scene. Nony Basco, ABS-CBN News

ILOILO CITY – Patay ang isang 33-anyos na lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin Biyernes ng umaga sa Rizal Pala-pala II sa lungsod na ito.

Katatapos lamang mag-deliver ni Ranny Bibangco ng itlog ng pugo sa loob ng Iloilo Terminal Market nang barilin siya sa ulo ng salarin na nakasuot ng bullcap.

Agad na namatay ang biktima habang sumakay sa nag a-abang na motorsiklo ang salarin.

Tinitingnan ngayon ng awtoridad ang personal at kaaway sa trabaho ang posibleng mga motibo sa pamamaril.

Ang tubong Tigbauan, Iloilo na biktima ay matagal nang distributor ng itlog ng pugo sa supermarket sa lungsod.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.