70 arestado sa 'one time big time' operation sa Makati

April Rafales, ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2017 08:28 AM

Arestado ang 70 suspek sa sari-saring krimen sa isang "one-time big time" operation sa Makati City.

Karamihan sa mga nahuli, 51, ang dahil sa pag-inom ng alak sa kalye, 8 ang nahuli sa droga, 14 na menor de edad na lumabag sa curfew, 4 sa pagsusugal, 1 ang nahulihan ng .38 kalibreng baril at 4 na may arrest warrant.

Ayon kay Senior Inspector Lito Buisan, Assistant Chief of Police for Operations ng Makati PNP, dalawang beses sa isang buwan ginagawa ang katulad na operasyon, ngunit madami pa din ang nahuhuli dahil sa katigasan ng ulo.

Bukod pa dito, dinampot din ang nasa 20 na namamalimos sa kalsada.

Ang mga dinampot na namamalimos ay dadalin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

-Umagang Kay Ganda, ika-13 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.