Lalaki, kritikal sa hit-and-run sa Pasay City

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2017 01:22 AM

Isang lalaki ang kritikal matapos itong ma hit-and-run sa Roxas Boulevard, pababa ng Buendia flyover sa Pasay City Miyerkoles.

Hindi pa nakilala ang biktima na nakasuot ng itim na T-shirt at boxer shorts at tinatayang nasa edad 40-50 anyos.

Ang biktima, na sinasabing palaboy sa lugar, ay nagtamo ng malaking sugat sa ulo at katawan.

Ayon sa isang saksi, tumatawid ang biktima nang masagasaan ito ng isang kotse, ngunit hindi naplakahan ang sasakyan.

Dinala ang biktima sa Pasay City General Hospital na ngayon ay kasalukuyang ginagamot. - DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.