Doktor, pinatay ng riding-in-tandem sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2017 03:10 PM

TRECE MARTIRES, Cavite - Patay ang isang provincial health officer matapos tambangan at pagbabarilin ng mga naka-motorsiklong suspek sa bayang ito, Miyerkoles. 

Pauwi na ang biktimang si Dr. George Repique Jr. kasama ang driver ng kanyang Hyundai Elantra nang atakehin sila ng mga gunman. 

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan si Repique. Binawian siya ng buhay habang ginagamot sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital.

Sugatan din ang driver niya na kinilalang si Riorito Jose Bacasa. 
 
Bumuo na ng task force ang Cavite police para tugisin ang mga tumakas na suspek. -- Ulat ni Ronilo Dagos 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.