ALAMIN: Mga kalsadang isasara sa Maynila sa Hulyo 14-15

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2018 03:10 PM

Bahagi ng Roxas Boulevard noong Agosto 2017. Mark Demayo, ABS-CBN News

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkoles na isasara ang ilang kalsada sa Maynila sa Sabado at Linggo, Hulyo 14 at 15, para sa paglulunsad ng "Worldwide Aid to Fight Poverty" ng Iglesia ni Cristo (INC).

Inaasahang 200,000 miyembro ng religious group ang dadalo sa two-day event na idaraos sa Rizal Park.

Mula Sabado, alas-sais ng gabi, isasara sa mga motorista ang kahabaan ng Katigbak Drive, South Drive, at Independence Road.

Simula naman ng Linggo, 12:01 ng hatinggabi, isasara ang mga sumusunod na kalsada:

  • Kahabaan ng Road-10 mula Moriones hanggang Delpan Bridge
  • Kahabaan ng Bonifacio Drive mula Delpan Bridge hanggang Katigbak Drive
  • Kahabaan ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo
  • East at westbound lane mula P. Burgos mula Lagusnilad hanggang Roxas Boulevard
  • Finance Road mula Taft Avenue hanggang P. Burgos
  • Westbound lane ng T.M. Kalaw mula M.H. Del Pilar hanggang Roxas Boulevard
  • Westbound lane ng Pres. Quirino mula M.H del Pilar hanggang Roxas Boulevard

Ipinapayo sa mga motorista na sundin ang mga sumusunod na alternatibong ruta habang sarado ang mga naturang kalsada:

  • Lahat ng mga sasakyang balak dumaan sa southbound lane ng R-10 ay maaaring kumaliwa sa Moriones Street hanggang sa destinasyon. 
  • Lahat ng mga sasakyang manggagaling sa Pasay area na balak dumaan sa northbound lane ng Roxas Boulevard ay maaaring kumanan ng P. Ocampo Street o gamitin ang Roxas Boulevard service road hanggang sa destinasyon. 
  • Lahat ng mga sasakyang mula sa mga tulay ng Quezon, McArthur at Jones na balak dumaan ng southbound lane ng Roxas Boulevard ay maaaring dumeretso ng Taft Avenue hanggang sa destinasyon. 
  • Lahat ng mga sasakyang magmumula sa Ayala Bridge ay maaaring kumaliwa/ kumanan sa Taft Avenue hanggang sa destinasyon. 
  • Lahat ng mga sasakyang balak dumaan sa westbound lane ng Pres. Quirino ay maaaring kumaliwa ng Mabini Street hanggang sa destinasyon. 
  • Lahat ng mga heavy vehicle/ cargo truck ay pinapayuhang dumaan sa Pres. Osmeña patungong Pres. Quirino, deretso sa Nagtahan, A.H. Lacson, Yuseco, Capulong hanggang R-10 (at vice versa).
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.