22-anyos na estudyante, timbog sa buybust sa Cubao

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2018 12:01 PM

MANILA - Isang Criminology student ang dinakip ng mga pulis, Miyerkoles, matapos siyang mahuli na nagbebenta ng droga sa isang apartelle sa Cubao, Quezon City.

Inaresto ang 22-anyos na estudyante na nagtratrabaho rin bilang isang security guard matapos magbenta umano ng ilegal na droga sa isang undercover na pulis.

Ayon sa mga awtoridad, dati nang pumasok sa rehabilitation center ang suspek pero bumalik ulit sa ilegal na gawain.

Nakuha mula sa suspek ang 13 sachet ng hinihinalang shabu. 

Ikinulong ang suspek sa Quezon City Police District Station 7 kung saan inaasahang sasampahan siya ng mga kasong kaugnay sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.