'Tulak', tiklo sa Pasay City

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2017 02:37 AM

Arestado ang isang tulak umano ng ilegal na droga matapos mahulihan ng shabu na nagkakahalagang P50,000 sa Mary Luz Street, Barangay 127, Pasay City nitong Martes.

Ang suspek ay kinilalang si Eliserio Dongon, 44 anyos, at miyembro umano ng Sputnik Gang.

Sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng korte, hindi na nakapalag ang suspek sa operasyon ng Station Drug Enforcement Unit.

Inaresto ang suspek sa loob ng kanyang bahay at narekober ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu at haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Arestado din ang kasama ng suspek sa bahay na si Glen Acosta, 40 anyos, matapos nitong pigilan ang mga pulis sa kanilang operasyon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.