Empleyadong biglang inalis sa trabaho, dumulog sa DOLE 'Clinic'

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2017 02:49 PM | Updated as of Jul 09 2017 08:33 PM

Empleyado si alyas 'Joseph' sa pagawaan ng electric fan sa Olongapo City.

Labis niyang ikinadismaya ang biglang pagtanggal sa kanya ng kumpanya noong Hunyo pati ang huling sahod na hanggang ngayon ay hindi pa niya natatanggap

Tinulungan ng Hanap: Buhay na idulog ang kaniyang problema sa Department of Labor and Employment (DOLE) Clinic.

Layon nitong DOLE Clinic na mas mapabilis at mapalapit ang kanilang serbisyo sa publiko.

Sa mga itininalagang DOLE Clinic, maaaring alamin ang status ng isang reklamo at mga alok na trabaho sa loob at labas ng bansa nang hindi na kinakailangang magpunta pa sa mismong tanggapan ng DOLE.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.