Driver na may 2 employer, namroblema sa SSS

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2017 03:33 PM | Updated as of Jul 08 2017 10:21 PM

Ilang taon nang namamasada ng jeep ang mister ni alyas 'Sonia'. Kasabay nito, driver din si mister ng isang construction company. Sa parehong trabaho, naghuhulog ng buwanang kontribusyon sa Social Security System (SSS) ang mister ni Sonia.

Nang mag-update noong 2013, nalaman ni Sonia na tanging kontribusyon lang mula sa isang trabaho ng mister ang pumasok na hulog sa SSS.

Masasayang na nga lang ba ang iba pang buwanang kontribusyon ng mister ni Sonia sa SSS? 

Ano nga ba ang dapat gawin kung ikaw ay may "multiple employer" para maging maayos ang paghuhulog ng kontribusyon sa SSS?

Idinulog at nasolusyunan ang nabanggit na problema sa SSS contribution sa "Tapat na Po" ng TV Patrol Weekend.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.