Bise Alkalde ng Trece Martires, Cavite patay sa pananambang

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2018 06:06 PM | Updated as of Jul 07 2018 06:30 PM

Patay si Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan at kaniyang drayber matapos pagbabarilin ang kanilang sasakyan nitong Sabado ng hapon. Kuha ni Eric Dastas

Patay ang Bise Alkalde ng Trece Martires, Cavite na si Alex Lubigan matapos pagbabarilin ang kaniyang sasakyan nitong Sabado ng hapon.

Napaslang din ang kaniyang driver na si Romulo Guillemer. 

Ayon kay Cavite police provincial director Senior Supt. William Segun, sakay ng pick-up ang mga biktima nang tambangan ng gunmen sa bahagi ng Trece Martires-Indang Road sa Barangay Luciano.

Ang mga salarin ay sakay naman ng SUV, dagdag ni Segun. 

Base sa inisyal na impormasyon, hindi kabilang sa "narco-list" ang napatay na Vice Mayor.

Ngayong linggo lang, noong Hulyo 2 at 3, magkasunod ding napaslang sina Mayor Antonio Halili ng Tanauan City at Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio, Nueva Ecija.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.