Trak, nahulog sa tulay sa Maynila

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2017 07:25 PM

MANILA - Sugatan ang isang drayber at ang pahinante nito matapos mahulog ang isang trak sa may Mabini Bridge sa Maynila, Lunes.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga rumespondeng traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng trak kaya bumangga ito sa railings ng tulay at nahulog pababa.

Malakas ang ulan nang nangyari ang insidente.

Isinugod na sa ospital ang drayber at pahinante ng trak.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.