3 patay sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Quezon

Joanne Dagos, ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2017 06:28 PM

Tatlo ang patay matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Bondoc Peninsula Highway sa Agdangan, Quezon nitong Biyernes.

Ayon sa pulisya, minamaneho ni Ernesto Pernilla, 80, ang kanyang Yamaha Neon nang makasalpukan nito ang motorsiklong sinasakyan ng mag-asawang negosyanteng sina Rodel at Maribel Berador. 

Bigla umanong lumiko pakaliwa si Pernilla kaya bumangga sa kasalubong na motorsiklo nina Berador. 

Idineklarang dead on the spot ang tatlo dahil sa mga pinsalang tinamo sa katawan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.