TINGNAN: 6.8-talampakang buwaya nahuli sa Palawan

Cherry Camacho, ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2017 02:51 PM

BROOKE'S POINT, Palawan - Nahuli ng mga residente sa Buligay River sa Barangay Tub-Tub sa bayang ito ang isang buwaya, Huwebes noong nakaraang linggo.

Sa pagsusuri ng Palawan Council for Sustainable Development at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Brooke's Point, isa itong salt water crocodile na may habang 6.8 feet.

 

 

Kuha ni Roy Oscar Alvarado

 

 

Kuha ni Roy Oscar Alvarado

 

 

Kuha ni Roy Oscar Alvarado

 

 

Kuha ni Roy Oscar Alvarado

 

 

Kuha ni Roy Oscar Alvarado

Ayon sa MENRO, gumawa ng trap ang mga residente at sinadyang hulihin ang buwaya dahil pumapasok na umano ito sa fishpond at kinakain ang mga isda.

Dahil ipinagbabawal ang paghuli ng buwaya sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Act, posible umanong makasuhan ang mga mapapatunayang nanghuli ng buwaya.

Pero aminado ang mga residente na perwisyo na ang buwaya sa kanilang lugar.

Pansamantalang inilagak sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) sa Brgy. Irawan, Puerto Princesa City ang buwaya.