SAPUL SA CCTV: Pananaksak sa isang lalaki sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2017 04:23 AM

Video courtesy of Sta. Ana Police.

DAVAO CITY - Huli sa CCTV ang pananaksak sa isang lalaki sa Barangay 23-C dito nitong Linggo.

Makikita sa video ang isang grupo ng mga lalaki na tumatakbo. Isang lalaki ang biglang nadapa at sinaksak ng isa pang lalaki gamit ang isang kutsilyo.

Agad na tumakas ang grupo ng mga lalaki. Nakatayo at nakatakbo pa ang biktima.

Nakilala ang biktima na si Jonathan Orboc, 20, na binawian din ng buhay.

Ayon sa imbestigasyon, naghihintay umano si Orboc ng masasakyan nang bigla siyang atakihin ng grupo ng mga lalaki.

Sa isang follow-up operation, inaresto si Joven Muyco, ang kinilalang sumaksak kay Orboc.

Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang laban sa kanya.

Nahaharap si Muyco sa kasong murder.

Kasalukuyang hinahanap ang ibang suspek. Personal grudge naman ang tinitingnan na motibo ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.