7 sasakyan nagkarambola sa NLEX

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2017 09:04 AM | Updated as of Jun 23 2017 01:41 AM

MANILA - Nagkarambola ang 7 sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX), bahagi ng Camachile, Quezon City Huwebes ng umaga.

Nagsimula ang aksidente nang mawalan ng preno ang isang 6-wheeler van sa southbound loading and unloading area, sabi ni NLEX traffic management and safety supervisor Gary Lorenzo sa panayam ng DZMM.

Inararo aniya ng van ang 5 sasakyan, kabilang na ang isang 6-wheeler aluminum van, isang Hyundai, isang Nissan Urvan at dalawang Toyota Fortuner.

Nagsikip ang trapik sa lugar dahil sa aksidente.

Ilang motorista namang sangkot sa insidente ang nagtamo ng minor injuries, bagamat hindi pa tiyak ang kanilang bilang, ani Lorenzo.

Naialis na sa lugar ang mga naaksidenteng sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.