PNP nangangailangan ng 14,000 bagong kawani

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2017 01:26 PM

MANILA - Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) Miyerkoles na nangangailangan ito ng 14,484 bagong kawani ngayong 2017. 

Sa naturang bilang, 10,000 ang iha-hire sa pamamagitan ng regular recruitment program, ayon kay Senior Supt. Juvenal Barbosa, acting chief ng PNP Recruitment and Selection Division. 

Papalit naman aniya ang natitirang 4,884 aplikante sa mga natanggal, naretiro, nag-resign o namatay na mga pulis. 

 
Bukod sa mga pulis, nangangailangan din ang PNP ng 545 na technical service officers tulad ng mga nurse. 

Maaaring bisitahin ang PNP Online Recruitment Application System dito. Ulat mula ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.