Tindera ng itlog, binaril sa Davao City

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2017 05:02 AM | Updated as of Jun 21 2017 05:30 AM

Pinagbabaril ang isang tindera ng itlog sa Davao City, Martes ng gabi.

DAVAO CITY - Isang tindera ng itlog ang binaril ng hindi pa nakikilalang salarin sa Davao City, Martes ng gabi.

Binaril ang biktima na si Rengelie Panes, 33, sa leeg na kaagad niyang ikinamatay.

Ayon sa isang saksi, nagtitinda si Panes nang biglang pumasok ang salarin sa kanyang tindahan at binaril siya ng dalawang beses.

Binaril din ng dalawang beses si Maymay Gonzaga, kapatid ni Panes.

Agad isinugod si Gonzaga sa isang ospital.

Tumakas ang suspek gamit ang isang motorsiklo.

Naglunsad na ng imbestigasyon ang pulisya at tinitignan ang anggulo sa negosyo o personal na away bilang posibleng motibo sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.