Kagawad na high-value target, timbog sa Bulacan

Doland Castro, ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2017 04:37 PM | Updated as of Jun 19 2017 11:51 PM

MANILA - Arestado ang isang barangay kagawad na umano'y isang high-value target ng pulisya sa isang operasyon sa San Rafael, Bulacan.

Armado ng search warrant, sinalakay ng San Rafael, Bulacan police ang bahay ng suspek na si Apple Borja, kagawad ng Barangay Pantubig.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang hinahanap si Borja lalo na't nasa watchlist ito ng Philippine National Police dahil sa iligal na droga.

Nakarekober din ang mga pulis nang isang hindi lisensyadong baril mula sa suspek.

Aminado naman si Borja sa kanyang pagkakasangkot sa iligal na droga.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang pinagkukunan at binabagsakan ni Borja ng iligal na droga.

Magsasagawa rin ng drug summit ang pulisya at ipapatawag ang mga opisyal ng barangay para malaman kung sino pa sa kanilang hanay ang sangkot sa iligal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.