Kaarawan ni Jose Rizal, ginunita

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2017 09:58 AM

MANILA - Ipinagdiwang sa iba't ibang bahagi ng Calamba, Laguna ngayong Lunes ang ika-156 na anibersaryo ng kaarawan ng pambansang bayaning si Jose Rizal.

Sentro ng selebrasyon ang Rizal Shrine, kung saan matatagpuan ang bahay ng pamilya ng pambansang bayani.

Alas-7 ng umaga nang mag umpisa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak doon at sa iba pang bantayog ni Rizal.

Panauhing pandangal sa okasyon si Philippine National Police chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa at mga lokal na opisyal ng Calamba.

Kapansin-pansin naman ang bulaklak na alay ni Pangulong Rodrigo Duterte na inilagay sa estatwa ng batang Rizal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.