Lalaki, arestado sa buy-bust sa Cubao, QC

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2017 08:06 AM

MANILA - Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa isang beauty parlor sa Pinatubo Street, Brgy San Martin de Porres, Cubao, Quezon City.

Ayon kay Sr. Insp. Ramon Aquiatan, hepe ng drug enforcement unit ng QCPD Station 7, nag-ugat ang operasyon sa report ng mga residente sa lugar sa lantaran umanong pagbebenta ng droga ng suspect na si Manuel Reyes, alyas Lani, 37 anyos.

Aminado si Reyes na shabu nga ang dala niya na ipinabebenta ng kaibigan na isang Alvin.

Tumatanggap daw siya ng P250 na komisyon sa bawat sachet na maibebenta.

Itinanggi naman ni Reyes na gumagamit siya ng droga.

Aabot sa sampung sachet ng shabu ang nakumpiska sa kanya, kasama na ang P500 buy-bust money.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.