Pygmy killer whale, namatay sa dalampasigan sa Ilocos Norte

Kim Lorenzo, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2017 10:49 AM

Video courtesy: Leilani Adriano

PASUQUIN, Ilocos Norte - Namatay ang isang pygmy killer whale ilang oras matapos itong matagpuan ng mga residente sa dalampasigan ng Barangay Davila, Huwebes.

Ayon sa mga awtoridad, nasa 4 na talampakan ang sukat ng babaeng dolphin na iklinase bilang isang pygmy killer whale.

"Mayroon siyang sugat na posibleng nakuha niya sa pagkakasadsad niya hanggang dito sa gilid ng dagat," ani Arthur Valente, Provincial Fishery Regulatory Officer.

Inaalam pa kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng dolphin at kung paano nito natamo ang ibang sugat sa mukha, buntot at iba pang bahagi ng katawan.