Minimum na pamasahe sa PNR, magiging P15 na

Bianca Dava, ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2017 02:43 AM | Updated as of Jun 21 2017 02:22 AM

Magtataas ng pamasahe ang Philippine National Railways (PNR) sa susunod na buwan.

Ayon sa kanilang official website, itataas ng PNR sa P15 ang minimum fare mula sa kasalukuyang P12 sa unang 14 na kilometrong biyahe ng tren.

Magdadagdag naman ito ng P5 sa kada susunod na zone.

Ang taas-pasahe ay isasagawa ng PNR para maisaayos ang kanilang serbisyo sa mga pasahero.

Ipapatupad ito sa July 1.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.