Trak at bus nagbanggaan sa NLEX

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2018 11:52 AM | Updated as of Jun 15 2018 12:24 PM

MANILA - Sugatan ang ilang katao matapos magbanggaan ang isang trak at bus sa south-bound lane ng North Luzon Expressway, makalampas ng Sta Rita Exit.

Ayon sa control specialist ng NLEX, isang pampasaherong bus na Five Star at isang 6-wheeler truck na may mga dalang bakal ang nagsalpukan.

Agad inokupa ng banggaan ang 3 lanes ng NLEX kaya't nagdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa kalsada.

Ayon sa NLEX, umabot sa dalawang kilometro ang haba ng pila ng mga sasakyan nai-stuck sa traffic dahil sa askidente.

Agad nirespondehan ng ambulansya ang aksidente matapos maireport na may nasugatan sa salpukan.

Inaalam pa kung ilan ang bilang ng mga nasaktan habang patuloy naman ng clearing operations sa bahaging ito ng NLEX.

Iniimbestigahan rin kung naging sanhi ng aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.