Pinaghihinalaang tulak, patay nang manlaban umano sa buybust sa Pasay

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2018 08:18 AM

MANILA - Patay ang isang pinaghihinalaang tulak ng droga matapos umanong manlaban sa mga pulis na nagpanggap na bibili ng shabu sa kanya sa Buendia Extension, Biyernes.

Nagbayad na ang mga undercover na pulis ng P500 sa suspek na si alyas Sinyel nang mahalata umano nito na aarestuhin na siya ng mga opisyal, sabi ng mga awtoridad.

Tumakbo ang suspek patungo sa Hilario Street at binaril ang mga pulis.

Namatay ang suspek sa engkuwentro.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.