12 barangay sa Pampanga, binaha

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2018 12:25 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Gracie Rutao, ABS-CBN News

PAMPANGA - Binaha ang ilang mabababang barangay sa Pampanga nitong Huwebes dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng habagat.

Nahirapan ang ilang motorista sa pagtahak sa mga lansangan. Pinasok na rin ng tubig-baha ang ilang bahay.

Handa naman ang mga awtoridad na rumesponde sa anumang emergency.

"Nakipag-coordinate na kami siyudad. Ready na po mga sasakyan, bangka for any eventuality at saka mga rescue personnel natin sa PNP," ani Senior Insp. Benjamin Gallano ng Macabebe police.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Sa huling tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), umabot sa 12 barangay ang lubog sa baha.

Sa bayan ng Masantol, apektado sa baha ang Alauli, Bagang, Balibago, Nigui, Sagrada, San Agustin, Sapang Kawayan, at Santa Monica.

Apektado rin ang Telacsan, San Francisco, Castuli at Consuelo sa bayan ng Macabebe.

Inaasahan naman ng PDRRMC na darami pa ang maapektuhan ng pagbaha sa lalawigan dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan. -- ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.