Umano’y tulak ng droga, patay sa engkuwentro sa Maynila

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2018 09:37 PM

Patay ang 1 hinihinalang tulak ng droga nang mauwi sa barilan ang buy-bust operation ng pulisya sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz Huwebes ng gabi.

Nagtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang suspek na si Alexander Dimalanta "alyas Jojo" nang barilin ng mga pulis matapos umanong manlaban, ayon sa ulat ni NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar.

Nadala pa si Dimalanta sa Chinese General Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Nakuha sa crime scene ang baril na ginamit umano ng suspect sa engkuwentro at P3,000 halaga ng umano'y shabu na nabili mula sa suspek sa nasabing operasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.