Regular psychiatric test sa pulisya, iminumungkahi

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2018 09:39 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inilahad ng National Police Commission (Napolcom) ang pagnanais ng ahensiya na gawing regular ang psychiatric test sa lahat ng miyembro ng Philippine National Police (PNP).

"Hindi dapat i-conduct [lang] during the recruitment period. So, it (psychiatric test) should be conducted on a periodic basis," ani Napolcom vice chairman Rogelio Casurao.

"May mga behavioral patterns na nade-develop na nasa serbisyo ka na, dapat regular 'yan para lagi nate-test yung behavioral patterns," dagdag ni Casurao.

Ayon sa tala ng Eastern Police District (EPD), nangunguna anilang dahilan ng behavioral problem sa hanay ng pulisya ay dulot ng trabaho lalo na umano tuwing nahaharap sa mga kaso.

"May mga pulis na mahina pa ang loob, kahit alam nila na may ebidensiya, positive 'yong tao ng drugs...Nakaka-stress 'yon kasi kailangan namin i-comply na maging zero crime rate ang area," ani alias "Albert."

Kahit na tumaas ang suweldo, kabilang pa rin ang problemang pinansiyal sa nakakaapekto sa pagbabago ng ugali ng pulisya.

Base sa datos ng EPD, kung ikukumpara noong nakaraang taon ay nabawasan sa kalahati ang mga pulis na nakaranas ng behavioral problem.

Ito ay mula nang mailunsad ng EPD ang Care and Reformation Service.

"Tinuturuan sila 'yong culture of savings, that has to be addressed to motivate them further para gawin ang trabaho nila nang tama," ani EPD director Rey Biay.

Pinabulaanan naman ni Biay ang isyu na may ilang pulis umano na nai-stress dahil napipilitan gumawa ng hindi tama lalo't sa anti-drug operations.

"We have safeguards and nandiyan 'yong police operational procedures namin...I don't think napi-pressure sila ng undue pressure," paliwanag ni Biay.

Mungkahi rin ng EPD na isama sa annual physical exam ng mga pulis ang neuropsychiatric tests.

-- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

Editor's note:

May mga grupo sa Pilipinas na handang makinig sa mga taong nakararanas ng matinding kalungkutan at depresyon.

Kabilang na rito ang Natasha Goulbourn Foundation na handang tumugon kahit na anong oras.

Narito ang kanilang hotline numbers:

Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:
0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.