Pulis-Cebu binaril ng nakaalitan sa gym

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2018 08:32 AM

Makikita sa larawang ito ang basag na salamin ng kotse ng pinaslang na pulis. ABS-CBN News

ALEGRIA, Cebu - Patay ang isang pulis matapos umanong barilin ng kapwa kliyente ng gym na nakaalitan niya sa bayan na ito, Miyerkoles ng gabi. 

Sinundan ng hindi nakilalang suspek si PO3 Jonathan Tilos sa labas ng gym matapos ang kanilang pagtatalo at ilang beses na binaril ang pulis sa tabi ng kaniyang sasakyan, ayon sa mga imbestigador. 

Dead on arrival anila sa ospital ang biktima samantalang nakatakas ang suspek sakay ng isang itim na kotse. 

Nakadestino sa Ginatilan, Cebu si Tilos na unang pumasok sa pulisya noong 2006, sabi ni Alegria police chief Senior Insp. Efren Diaz Jr. 

Ulat ni Donna Lavares, ABS CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.